history of Carmona

ALAMAT AT PAMAHIIN

MGA KABABALAGHAN, KWENTONG BAYAN, ALAMAT, PANINIWALA, PAMAHIIN, AT PANGHUHULA

MGA KABABALAGHAN

Isang matatangap na kaisipan na ang kababalaghan ay isang kwentong di-kilala ang may katha, subalit nagbibigay patunay sa katotohanan ng palagay. Ang mga taga Carmona ay mayroong maipagmamalaking mga kababalaghan narito ang ilan:

A.) May ilang panahon na ang nakalilipas,may isang tagarito na nagngangalang Hospicio Hermosa, na lalong kilala sa tawag na “Hopia”. ang kanyang kapangyarihan bilang di karaniwang albularyo ay pinaniniwalaang kaloob ng Diyos. Maraming kababalaghan na siyang nagawa.

Si Mang Hospicio ay nakapagpapatayo at nakapagpapalakad ng isang napilayan at nabalian ng buto ng isang kalabaw sa pamamagitan ng pagtitig lamang dito.

Minsan isang babae ang nahulog sa hagdan, nagkaroon ito ng bali sa buto.Hindi siya makalakad. Dalawang lalake ang umalalay sa kanya, subalit sinabi ni mang Hospicio na ang babae ay makakalakad ng di na inaalalayan. Tinitigan niya ito at walang anu-ano’y tumayo at nakalakad ang babae.

Minsan naman, habang nagpapahinga ang mga magsasaka, kanilang tinawag ang albularyo. Isa sa mga magsasaka ang nagluray-luray sa isang palaka, hiniling nila sa albularyo na palundagin ito. Tinitigan niya ang palaka at nagmamadali itong tumalon.

Ang mga ito ang ilan lamang sa mga kakayahang magpagaling ng naturang albularyo. Nakalulungkot nga lamang dahil sa katandaan siya ay pinagpahinga na ng maylikha sa kanya.Subalit maaring naisalin niya ang kanyang kapangyarihang manggamot sa kanyang anak na si Pedro. Nang yumao ito ay naisalin naman sa kanyang anak na si Satur at manugang na si Konsehal Eduardo Loyola.

B.) May isang matandang lalake na nagngangalang Pedro Witas na nag-aangkin ng isang kamangha-manghang kapangyarihan. Kanya lamang ipapalo ang baston at isang lankay na ahas na tintawag na”kuyog” ang magsisilabas. Noong araw karamihan sa mga magulang ay mahigpit lalo na sa mga anak na dalagang umiibig. Tutol silang maligawan ang kanilang anak o lumalapit sila kay mang Pedro upang magpa-“orasyon”. Sinuman ang manliligaw ay hindi makapamimintuho hanga’t hindi nakapagbibigkas si mang Pedro ng orasyon na magpapalaya sa mga kadalagahan.

ALAMAT

Ang kasaysayan ng kalinangang Pilipino ay pinayaman ng makukulay at makahulugang bagay, tulad ng alamat. Ang bayang ito’y mayroon ding alamat na naiambag sa kalinangang Pilipino.

Isa sa mga tanyag na alamat ng Carmona ay tungkol sa butiki. May isang pamilya na ang ama ay iniligtas ng isang angel. Bilang ganti ng utang na loob, ang buong maganak ay nangakong magdarasal tuwing orasyon o “angelus”. Ito ay ginagawa tuwing ika-6:00 ng hapon, nang lumaon nanghinawa ang mag-anak sa gawaing ito,tinigilan nila ang pagdarasal. Nagalit ang Angel at sila’y pinarusahan.Ginawa silang mga butiki at inutusang hhumalik sa lupa tuwing orasyon.

Ang nabangit na alamat ay karaniwang ikinukwento ng mga lolo’t lola sa kanilang mga apo,upang ipaalla ang kanilang tungkuling maglingkod at umibig sa diyos at upang makatupad sa ginawang pangako.

Ang mga mamamayan ay nagiliwan sa mga alamat, sapagkat ito’y nakawiwili at nagbibigay ng aral.

MGA PANINIWALA

A.) Isang pangkaraniwang paniniwala na kapag ang isang buntis ay kumain ng kambal na saging ay magkakaanak ng kambal. Marami ang naniniwala na ang kambal na anak ay nagdudulot ng mabuting kapalaran ng pamilya. Pinaniniwalaan din na kapag ang isang sanggol ay ipinanganak na may kakambal na ahas siya ay makapagpapagaling ng pasyenteng kinagat ng ahas.

B.) Ang isa daw bata na ipinanganakna “suhi” o’ ipinanganak na nauna ang paa ay makapag-aalis ng tinik sa lalamunan sa pamamagitan ng paghilot sa gawing harapan ng leeg.

MGA PAMAHIIN

Ang bawa’t dako ay may pinaniniwalaang pamahiin. Ang ilan ay karaniwan at ang ilan ay katangi-tangi.

Ipinapayo na manghuli ng”karbungko” tuwing agaw dilim at liwanag kung naghahangad na maging mayaman at makapangyarihan.

Ang mga ninong at ninang ay dapat na mag-unahan sa paglabas ng simbahan upang kung sino ang mauna ,ang sangol na hinawakan ay magiging tanyag at masigla habambuhay.

Ang pag-iimis ng itim na damit na hindi na ginagamit ay magiging dahilan ng pagkakaroon ng sunod-sunod na mamamatay sa pamilya.

Ang mga batang kumakain ng labis na isda ay magiging putlain at mag kakaroon ng maraming “alaga” sa tiyan.

Kapag ang dalawang miyembro ng pamilya ay nagpakasal ng suno sa taon, nang isa sa kanila ay magiging malas sa buong panahon ng kanilang pagsasama.

Ang mag-asawang may magandang konbinasyon ng pangalan ay magiging mabuti ang pagiging buhay mag-asawa.

Ang pagtatayo ng bahay sa panahong nagdadalantao ang may-bahay ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan o’ pagkakasakit.

Ang pag lalagay ng pinaglulunan ng ahas sa aklat ay nakapagpapatalino sa isang mag-aaral.

Dapat buksan lahat ng bintana sa umaga upang pumasuk lahat ng grasya sa tahanan.Ang pagwawalis sa loob ng bahay pataboy sa pintuan ay magdudulot ng pagkawala ng kabuhayan.

PANGKUKULAM AT PANGGAGAYUMA

Ang mga unang tao sa Carmona ay may iba’t-ibang anyo ng pangkukulam at panggagayuma at paggamit ng anting-anting.

Naniniwala sila sa”panggagaway”,nuno sa punso,aswang, tiyanak at tikbalang. Isang kwento ang inilahad ng isang matandang lalaki na noon daw ay may isang pamilya na naninirahan sa Bg. Lantic. Ang pamilyang ito ay pinaniniwalaang manggagaway. Walang nais makisalamuha sa kanila sa paniniwalang kapag sila’y natitigan nitoy magkakasakit. Minsan ang isang bata ay binati nito,kagyat ay nagkasakit bata. Humingi nang tulong sa may kapangyarihan. Itinali ang manggagaway sa poste sa plasa. Maliliit na manyika ang isinuka nito pagkatangap sa parusa ng kawal.

Noon daw ay may isang punso sa ilalim ng punong kawayan sqa isang bakuran. Ang may ari nito ay may anak na isang babae na nawawala gabi-gabi,ng siya’y matagpuan nasumpungan siyang mag-isang nagsasalita sa tabi ng punso. Sinabi niya sa kanyang ina na siya ay nanggaling sa napakaganda at napakayamang kaharian at nakilala niya ang isang kaibigan. Napasang ayon siya ng kanyang kaibigan na maging prinsesa ng kanilang kaharian. Subalit nakapag isip siya na hindi niya maiiwan ang mahal na magulang.Ipinasya ng magulang na patagin ang punso,mula noon ang dalga’y nagkasakit hangang sa mamatay.Naniniwala ang mga taga baryo na siya ay kinuha ng duwende at sinali sa kanilang kaharian.

Isang mabagyong panahon, may isang kaingero ang nakakita ng isang manggang hinog sa lupa. Dinamput niya ito, sa di kawasa ito ay nawala. Lumagpak sa lupa at naging tiyanak na nagtawa at tinutukso siya.

ANG PAGBAWI NG LUPANG YAPTINCHAY

Noong matapos ang himagsikan at matatag ang pamahalaang Amerikano noon taong 1900 ang unang naging Presidente dito sa Carmona ay si G. Martin Reyes, sumusunod si G. Marcelo Reyes, Prudencio Torres, Juan Alumia, Estanislao Paular at Marciano Mapanoo. Noong 1936, sa panahon ni Presidente Marciano Mapanoo, tinangka ng mga taga Carmona na mailipat sa kanila ang mga lupang tinatangkilik ng mga Yaptinchay. Sa pagtatangkang ito, nagkaroon ng usapin ang mga taga Carmona laban sa mga Yaptinchay hanggang ito ay umabot sa Pangulong Manuel L. Quezon sa Malakanyang. Ang nasabing usapin ay inilipat sa Hukumang Unang Dulugan ng Cavite sa ilalim ng Kaso Blg. 318 at dito ay nagkaroon ng pagpapasiya na tila ang taga Carmona ay nabigo. Dahil dito ang kaso ay isinampa sa Hukuman ng Paghahabol na kung saan ay naghintay ng kaukulang desisyon. Kung natalo o nanalo ang alin mang panig sa nasabing usapin, ang lupon ay wala pang maliwanag na dokumentong natatagpuan sa bagay na ito. Isang bagay lamang ang maliwanag, ang mga taga Carmona ngayon ang siyang nagtatangkilik ng nasabing mga lupa sa ilalim ng pangangasiwa ng Agrarian Reform. Lumalabas sa mga himaton na ang lupang Yaptinchay ay binili ng pamahalaang Commonwealth at ipinamahagi ito sa mga taga Carmona na kanila namang dapat bayarang unti-unti hanggang ito ay maging kanila.

ANG PAGIGING BAYAN NG CARMONA

Bago pa maging bayan ang Silang noong 1595, (ref. Memoria of Silang now on file at the National Library – Manila), and Carmona ng mga panahong iyon ay isa lamang sityo ng Silang na kung tagurian ay Latag, Labac o Kalatagan na may ilang mamamayan. Bagamat walang makapagsabi kung bakit tinawag na Latag, nahuhula na dahil marahil sa ang mga naunang mamamayan dito sa Carmona ay nagbuhat sa matataas na lugar tulad ng bulubundukin ng Silang na ang bawat lugar na mababa at pantay sa bunduking ito ay tinatawag na Labac, ito marahil ang dahilan kung bakit nakilala ang Carmona sa tawag na Latag dahil ito ay mababa at palanas na kapatagan. Noon ang Latag ay magubat at mandi’y wala pang nakikilalang nagmamay-ari ng lupa dito. Sa paghahangad ng tahimik na pamumuhay ng ilang taga-Silang ang nagudyok sa kanila upang ang magubat na pook na ito ay hawanin at linisin at ituring na kanila. Ang kinagawiang ito ng mga taga-Latag ay nagpasalin salin hanggang sa pagitan ng mga taong 1600-1607.

May dumating na purong Kastilang Agustinian sa lupang Binan at nagsimulang magpalaganap ng relihiyong Katoliko. Habang lumalaganap ang relihiyong ito patuloy rin naman ang pagkakaroon ng mga pareng Kastila ng lupang kanilang tinatangkilik. Kaya’t sa pagitan ng taong 1740-1746, nang magkaroon ng paglilinang sa lupa ng Binan at Silang, lumalabas ayon sa katibayan at pinanghahawakan ng mga pareng Kastila, ang mga taga Latag ay nasasakop ng Hacienda San Isidro, Binan. Dahil dito tumutol ang mga taga Latag pagkat simula pa’y alam nilang sila ay taga Silang at ang lupang kanilang tinatangkilik at pinakikinabangan mula sa pagkabata nang walang sinumang gumagambala ay bahagi at sakop ng bayan ng Silang.

Noong taong 1746, (ref. Red Bk. Vol. # 1, Errecion delos Pueblos Cavite), hiniling ng mga taga Latag at Silang sa Kataas-taasang pamahalaang Kastila na kung maaari ay ipagkaloob sa kanila ang lupang tinatangkilik. Dahil sa kahilingang ito at ang mga pareng Kastila ay iginigiit ang kanilang karapatan sa pananangkilik, nagkaroon ng usapin at sa paglilitis, lumalabas pang ang mga taga Silang ang nanggugulo. Bagaman masasabing ang mga taga Latag at Silang ay hindi naging matagumpay sa kanilang usapin ng mga pareng Kastila, ang hari ng Espanya ay naging makatarungan at sa kanyang tagubilin na ipagkaloob sa mga “indio” o Pilipino ang mga biyaya na nauukol sa kanila.

Simula ng mapatakda ang hangganan ng Binan at Silang, ang mga taga Latag ay namuhay ng tahimik at sila ay nagpatuloy sa pamumuhay na kinagisnan. Sa pagbabago ng panahon, ang mga taga Latag ay unti-unti ring nagbabago at magsasabing sila ay nakiayon sa mabilis na pagusad ng kabihasnan. Dahil sa hirap ng pagyayao’t parito sa poblacion ng Silang, kukuha lang sila ng sedula (ang walang sedula ng mga panahong iyon ay ipinapalagay ng mga Kastila na insurekto o rebeldo) ay yaong tuwing isang linggo. Kung sila naman ay maglilibing, kung minsan ay bumabaho ang dala nilang bangkay dahil hindi sila makatawid sa bahang ilog. Nagkaroon ng isang kilusan para sa pagsasarili. Bumuo ang isang grupo ng kalalakihan na kung tawagin ay “Maginoo” upang siyang magsakatuparan ng kanilang pangarap at layuning magkaroon ng kalayaan bilang isang bayan.

Sa pangunguna ni g. Tiburcio Purificacion, nagpatuloy ang mga taga Latag sa paghanap ng paraan kung paano sila magiging bayan. Dahil sa walang puknat na pagsisikap at batay sa isang makatuwirang kahilingan ang Latag sa wakas ay napahiwalay sa bayan ng Silang sa bisa ng isang dekreto na nilagdaan ni Gobernador-Heneral Fernando de Norzagaray noong Pebrero 20, 1857, at ganap na naging isang bayan.

ANG PANIMULA NG SORTEO NG LUPANG KOMUNAL

Pagkalipas ng maraming taong pagtatanggol sa karapatan ng mga taga Latag bilang may-ari ng lupang sadya naman sa kanila ay nagkaroon din ng katarungan pagkat sa bisa ng decreto noong Noyembre 15, 1859, ang pamamahala, kapangyarihan, at pagmamay-ari ng lahat ng sakop ng lupang Carmona ay ibinalik sa mamamayang taga Carmona. Ang decretong ito ay maliwanag na nag-aalis ng lahat ng kondisyon at kautusang itinadhana sa Decreto noong Marso 9, 1946, tungkol sa ginawang pagkakaloob ng lupang komunal sa mga taga Latag at ang dekretong ito sa masasabing ipinagkaloob ng lupang komunal sa mga taga Latag at ang kapangyarihang magpasya kung ano ang mabuti sa nasabing lupang komunal bilang may-ari.

Dahil sa kakaibang kalagayan ng lupang komunal ng Carmona, maraming hindi taga Carmona ang nagkaroon ng interes na makasali sa Sorteo. Marami ay lumipat dito pansamantala at pagkatapos ma makasali at magkaroon ng suwerte, madali itong ipagbibili at aalis na. Dahil dito, noong Disyembre 15, 1868, naghain ng reklamo ang mga taga Carmona sa Direktor Heneral ng Pamahalaang Kastila at tuloy hiniling nila na ipamahagi na sa mamamayang taga Carmona ang lupang komunal upang maiwasan na ang pagsasamantala ng mga hindi taga Carmona.

Bilang sagot sa nasabing reklamo at kahilingan ng mga taga Carmona, sinabi ng Director Heneral sa kanyang liham noon Nobyembre 17, 1883 na hinding hindi maaaring makasali ang mga hindi taga Carmona kung walang namagitan kondisyon sa likod nito. At sinabi pa niya, ang isa sa mga dahilan kung bakit ang mamamayan ay nagugulo ay sapagkat ang pagkakaparte ng mga loteng komunal ay hindi naging pareho. Kayat upang maiwasan ang gulo at inggitan, itinagubilin ng Direktor Herenal na dapat partihan ang loteng komunal na sinosorteo ng parehong-pareho upang maiwasan na ang anumang kaguluhan at tuloy marami ang makinabang.

Bukod sa mga suliraning nabanggit, ang mga taga Carmona nang mga panahong iyon ay napaharap sa mahabang tag-init na ikinatuyo ng kanilang halaman, gayon din ng iba pang kalamidad na lubhang nagpahirap sa kanila. Dahil dito noong taong 1869, ang mga taga Carmona sa pangunguna ng kanilang Gobernadorcillo na si G. Marciano Mapanoo at ng kanyang mga kasamang Cabeza de Barangay na sina G. Gaspar Espiritu, Jose De Guzman, Martin Sarmiento, Mariano Paular at Fabian Tenedero ay sumulat sa Diretor Heneral at kanilang hiniling na kung maaari ay huwag muna silang magbayad ng buwis. Sa kahilingang nabanggit, ang buwis ng kanilang halamn ay pinagbigyan subalit ang kaukulang upa sa lupa na kanilang tinatangkilik ay hindi.

Noon pa mang una, ang sorteo o subasta sa bukid ay masasabing ginagawa na, katunayan noong Abril 7, 1872, ang bukid ng byan ay sinusubasta at sa subastang ito, tila ang simbahang kinakatawan ni Padre Mamerto Lizasoain ay nagkaroon ng tinatangkilik. Dahil dito may mamamayang taga Carmona ang nagreklamo at dahil sa reklamong ito ang karapatan ng simbahan na magtangkilik ng lupa ay inalis. Subalit ang usaping ito ay hindi agad natapos pagkat noong Hunyo 21, 1885, si Padre Lizasoain ay lumiham sa Direktor Heneral ng pamahalaang Kastila na kung maaari ay pawalang bisa ang utos sapagkat ang kanyang ginawang cementerio de officio ay upang matulungan ang mahihirap na taga Carmona na doo’y kanilang sinabi na samantalang tahimik naman ang pagsasama ng simbahan at bayan sa loob ng 20 taon, ang bayan na kanyang kinakatawan ay hindi naman tumututol sa pananangkilik ng simbahan sa lupang pag-aari nito. Kung ibinalik o hindi ang karapatan ng simbahan sa mga lupang tinatangkilik nito ang lupon ay walang dokumentong natagpuan para dito.

Ayon sa ilang liham na natagpuan ng lupon, ang mga ito ay nagpapahiwatig na ang paghahangad ng ilang mamamayang hindi naman anak ng Carmona para makasali sa sorteo ay nagpatuloy, pagkat sa liham ng mga namumuno dito sa Carmona noong Nobyembre 17, 1885, sila ay minsan pang nagharap ng kahilingan sa pamahalaang Kastila na ipamahagi na ang lupang komunal sa mamamayang taga Carmona, katulad noong una, ang kahilingang ito ay hindi pinagbigyan. Noong taong 1886, nagharap naman ng kahilingan ang mga taga Carmona para maipamahagi na sa kanila ang lupang komunal subalit ang ikatlong kahilingan ay hindi rin pinaunlakan.

Noon Pebrero 13, 1894, lumabas ang isang Royal Decree na nag-uutos sa lahat ng mamamayan na patituluhan na ang mga lupang kanilang tinatangkilik sa loob ng anim na buwan. Dala marahil na marami ang hindi makapagpatitulo ng panahong iyon, ang nabanggit na dekreto ay nagbigay pa ng palugit na anim na buwan. Pagkatapos ng palugit na ito, nangangahulugan na laht ng lupang hindi napatituluhan ay walang nagmamay-ari samakatuwid ay maaari pang ariin ng pamahalaan maging ito man ay Kastila, Amerikano o Pilipino.

Noong sumiklab ang himagsikan ng mga Pilipino laban sa Kastila noon 1896, batay sa mga pinanghahawakang dokumento, ang Gobernadorcillong siyang namumuno dito sa bayan pagkatapos nina G. Tiburcio Purificacion, Marciano Mapanoo at Fabian Tenedero, ay si Kapitang Damin Ermitano at C. Prudencio Torres na pawang nasa kanilang kasiglahan ng mga panahong iyon ay balitang balita sa pagtatanggol ng ating bayan. Ang mga taong ito ang siyang puspusang tumulong kay Don Paciano Rizal nang ito ay pansamantalang humimpil dito sa Carmona na dala ang isang batalyong Kastilang kanyang nabihag sa labanang naganap sa Sta. Cruz, Laguna.

Dekreto
Ang kabuuan ng dekreto ng pagiging bayan ng Carmona ay gaya ng sumusunod:

Mayroon tatak na ganito: Tello 3. OR. S. 1866-67 ‘2 R.S.

Kataastaasan Pamahalaan Sangkapuluan sa araw na ito aking inilagda ang sumusunod:

Pagkatapos na maunawa ang lahat ng salaysay ng mga Principales at Cabeza de Barangay ng Barrio Latag, sakop ng bayan ng Silang, Lalawigan ng Cavite, na doo’y kanilang hinihingi na ang nasabing barrio ay mahwalay sa kanyang Inang Bayang Silang, upang maging bayan na mayroong kanyang sariling pamahalaan at kapanagutan sa ilalim ng tuwirang kapangyarihan ng punong Lalawigan ng Cavite, sapagkat ang nasabing nayon ay mayroong mahigit limandaang (500) nagsisibuwis, mayroong simbahan at bahay pamahalaan, nasa layong tatlo o apat (3 o 4) na leguas sa kanyang Inang Byang Silang at kinakailangan ang kanyang paghiwalay upang magkaroon ng isang pamunuang mangangalaga, mananagot, mapapasuno at magpapatupad sa lahat ng mamamayan at nang manatili ang isang mabuti at matahimik na pamumuhay ng tao; pagkatapos na mabasa ang ulat na iniharap ng Iexcelentisimo at Ilustrisimo, Arsopbispo at ng Mahal na Hari at ng sa Tagapagsiyasat ng Pamahalaan, ay aking iniuutos na ang nayon ng Latag ay mahiwalay sa bayan ng Silang at maging bayan na tatawaging CARMONA at magkakaroon ng sariling kapanagutan at makipagunawaan ng tuwiran sa mga punong lalawigan o pamahalaan dito sa sangkapuluan at pagkatapos na ang nasabing baya’y magkaroon ng kayang Gobernadorcillo at mga Cabeza, ay isang lupon ng bubuuin ng pamunuan ng dalawang bayan ng Silang at ng Carmona at ng isang dalubhasa, kanilang ilagay balaty sa pagitan ng dalawang (2) bayan.

Maynila, 20 ng Pebrero ng taon 1857.

-Ramon Montero

MAKASAYSAYANG MGA POOK

POOK, GUSALI AT MGA LAHI

Katulad ng ibang mga bayan, ang Carmona ay mayroon ding mga makasaysayang pook at gusali, at mga lahi ng digmaan. Iilan lamang ang napatala sa kasaysayan sa panahon ng Kastila. Karamihan sa makasaysayang pangyayari na napatala ay sa panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig.

Fuente (Big Irrigation Dam) – Patubig 1900 – Pulungan ng Kastilang Cacedores.

Simbahang Kastila – Abril 1800 – Itinayo ng sambayang Carmona noon panahon ng Kastila at naging sentro ng sona noon panahon ng Hapon.

Bahay ni Estanislao Paular – 1941-1945 – tanggapan ng mga opisyal Niponggo (Hapones) noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Bahay ni Alkalde Juan Zamora – 1940-1945 – tanggapan ng pinunong Hapones.

Carmona Elementary School (Gabaldon Type) – 1941-1945 – pansamantalang pagamutan para sa mamamayan.

Glorietta – 1942 – nawasak noon panahon ng Hapon.

Carmona Cemetery – libingan bayan – 1941-1945 – ang mga pinaslang at makapili ay dito inilibing noon panahon ng Hapon.

Carmona Elementary School (Gonzales Type) – 1941-1945 – nagsilbing ospital ng mga gerilya at mga residente ng Carmona.