city of carmona sports clinic grand kick-off ceremony

May 3, 2026

Matagumpay na idinaos ang Grand Kick-Off Ceremony ng City of Carmona Sports Clinic sa pangunguna ng Community Affairs and Youth Development Office, Sangguniang Kabataan Federation of Carmona, Local Youth Development Council – Carmona, Cavite, at Local Council for the Protection of Children na ginanap sa Carmona Tennis Court and Sports Hub. 

 

Handog ng naturang programa ang 15 sports discipline ngayong Summer na bukas sa mga kabataan ng City of Carmona na mag-aaral ng public at private schools dito. Layon ng programa na malinang ang talento ng mga kabataang Carmona sa iba’t-ibang larangan ng sports, mapataas ang kanilang kumpiyansa sa sarili, at mabahagi ang kaalaman tungo sa teamwork at tamang disiplina sa sports.