seminar on public service ethics and accountability for lgu employees

April 21, 2026

Bilang bahagi ng pagpapatibay ng integridad sa serbisyo publiko sa Pamahalaang Lungsod ng Carmona ay matagumpay na idinaos ng Office of the City Human Resources and Management ang Officer ang Seminar on Public Service Ethics and Accountability (PSEA) noong Abril 21–22, 2026 sa City Penthouse, sa pakikipagtulungan ng Civil Service Commission (CSA) Region IV.


Ang naturang 16-hour workshop ay dinaluhan ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan upang hubugin ang kaalaman ng mga dumalo ukol sa ethical standards, accountability, at transparency sa ngalan ng government service. Ito ay bahagi ng ating adbokasiya laban sa graft and corruption at para sa mas tapat na paglilingkod sa bayan.


Maraming salamat sa ating mga Subject Matter Experts na sina Atty. Henry C. Pablo Jr. at Atty. Andrea Nikka A. Yaranon, katuwang si Ms. Narriza D. Cruz, Training Assistant na nagbahagi ng kanilang kaalaman sa naturang paksa. Ang pakikiisa ng mga kawani ang patunay ng kanilang dedikasyon sa makatao, tapat, at responsableng serbisyo publiko.