pawtektado 2026: free castration, anti-rabies vaccination, and microchipping
April 18, 2026
Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pangunguna ng Office of the City Agriculturist, ang PAWTEKTADO 2026, kung saan 50 pets ang nabigyan ng libreng castration, 153 ang nabakunahan anti-rabies, at 108 naman ang sumailalim sa free microchipping.
Ang Pawtektado ay ang opisyal na community-based program ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona para sa animal welfare, rabies prevention, at responsableng pet ownership na naglalayong mapanatiling ligtas at maayos ang komunidad para sa tao at hayop.