March 14, 2026

Lalaking may malasakit sa pamilya at respeto sa kababaihan, tunay na KATROPA!

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2026 National Women’s Month, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pamamagitan ng Office of the City Population Officer, katuwang ang Provincial Population Office, ng MR. GAD KATROPA SEMINAR na dinaluhan ng 120 kalalakihan mula sa iba’t ibang barangay sa Carmona.

Layon ng naturang seminar na mahikayat ang mga kalalakihan na maging responsableng ama, asawa, at katuwang sa pagsusulong ng kapakanan ng kanilang pamilya at ng komunidad. Tinalakay sa aktibidad ang Anti-Violence Against Women and Children (VAWC) Act of 2004 o R.A. 9262 upang mapalawak ang kanilang kaalaman patungkol sa paggalang, proteksyon, at karapatan ng kababaihan at mga bata at mabigyang diin ang kahalagahan ng kanilang gampanin sa pagtataguyod ng isang ligtas, maayos, at pantay na pamayanan, gayundin ang kanilang pakikiisa sa paggalang at pagsuporta sa kababaihan.

Sa pagdiriwang ng Women’s Month, kinikilala na ang aktibong partisipasyon ng kalalakihan ay mahalaga sa pagtataguyod ng karapatan, dignidad, at kapakanan ng kababaihan at ng buong komunidad.