KASAMA KA, KABATAAN – TECHNICAL AND VOCATIONAL SKILLS TRAINING PROGRAM
kasama ka, kabataan - technical and vocational skills training program
December 19, 2025
Sa pangunguna ng Office of the Public Employment Service Manager, ay idinaos ang Distribution ng Starter Kits at Allowance para sa mga Scholars ng Electrical Installation and Maintenance (EIM) at Shielded Metal Arc Welding (SMAW).
Sa pakikipagtulungan ng Guardians Technical School, Inc. (GUTS), matagumpay na nagtapos ang 30 na scholars, 15 mula sa EIM at 15 mula sa SMAW, na sumailalim sa technical at vocational skills training ng Pamahalaang Lokal sa ilalim ng Kasama Ka, Kabataan Program.
Patuloy nating sinusuportahan ang kabataan sa paghubog ng kasanayan tungo sa maayos na hanapbuhay at maayos na kinabukasan.