PEACE BEGINS WITH INCLUSION NG CAYDO & JCI CARMONA
peace begins with inclusion ng caydo and jci carmona
December 14, 2025
Idinaos ng Community Affairs and Youth Development Office, sa pakikipagtulungan ng JCI Carmona, ang Peace Begins with Inclusion Seminar na dinaluhan ng mga miyembro ng iba’t-ibang youth organizations sa Lungsod at ng mga mag-aaral ng Cavite State University – Carmona Campus. Ito ay sa pangunguna ng ating Resource Person na si Mr. John Angelo Jimenez, National Chairman for Walk with Pride.
Dito ay isinagawa ang makabuluhang talakayan na naglalayong palaganapin ang pagkakaisa, paggalang, at pagiging inklusibo bilang pundasyon ng isang mapayapa at maunlad na komunidad. Sama-sama nating isulong ang kapayapaan na nagsisimula sa pang-unawa at mapagmahal na pagtanggap sa bawat isa.