takbo lung 10 fun run / 10-tastic day for the merriest dash of all, run and deliver hope to tb patients in carmona

December 07, 2025

Taos-pusong pasasalamat sa 2,100 registered runners na nakiisa sa Takbo Lung 10 Christmas Fun Run ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona sa pangunguna ng Office of the City Health Officer. Ang naturang aktibidad ay para po sa mga tuberculosis (TB) patients ng Lungsod upang makatulong sa kanilang mga pangangailangang medikal para sa kanilang karamdaman.

 

Congratulations sa lahat ng nagwaging runners para sa 3K, 5K, at 10K run ngayong taon. Pasasalamat din sa mga kumpanya, organisasyon, institusyon, at paaralan,lalo na sa ating biggest delegation mula sa Rohm Electronics Phils. Inc. at Kawani ng Pamahalaang Bayan ng Carmona Multi Purpose Cooperative. Sana’y patuloy ninyong isabuhay ang aktibong lifestyle para maibahagi sa lahat ang kabutihan nito sa kalusugan.