2025 natatanging boluntaryo ng lungsod ng carmona awards and grand cso assembly

December 06, 2025

Sa pangunguna ng CSO Desk Office ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona ay matagumpay na isinagawa ang 2025 Natatanging Boluntaryo ng Lungsod ng Carmona Awards at Grand CSO Assembly noong Disyembre 06, 2025 sa CarSiGMA Gymnasium. Dinaluhan ito ng mahigit sa 1,300 volunteers mula sa iba’t ibang Civil Society Organizations (CSOs) sa Lungsod.


Ang pagdiriwang na ito ay idinaos bilang pakikiisa sa National Volunteer Month, at tampok ang mga sumusunod na bahagi: 1) Awarding ng 2025 Natatanging Boluntaryo ng Lungsod ng Carmona; 2)  Oath Taking Ceremony ng Carmona People’s Council Officers; at 3) Turnover of Financial Assistance to Organizations bilang suporta sa kanilang mga community projects. Congratulations po sa mga sumusunod na kinilala sa mahalagang araw na ito.

Pagbati sa mga nagwagi bilang Natatanging Boluntaryo 2025 Awardees:

 • Youth Category: John Noe S. Lopez
 • Adult Category: Emmanuel S. Se
 • Group Category – Top 1: Rotary Club of Carmona
 • Top 2: Samahan ng Nagkakaisang Kababaihan ng Carmona, Inc.
 • Top 3: Kilusan Kabalikat ng May Kapansanan para sa Kinabukasan