opening of the city public library and learning resource center is now officially open!

November 25, 2025

Kasabay ng 35th Library Information Services (LIS) Month ay ginanap ang Opening ng City Public Library & Learning Resource Center, ang bagong tahanan ng kaalaman at inspirasyon para sa mga mamamayan ng City of Carmona. Hinihikayat ang lahat ng mga mag-aaral, guro, kabataan, magulang, at sa lahat ng mga nagnanais mag-aral at magbasa na bumisita sa bagong pasilidad na ito para sa edukasyon, pananaliksik, at personal na pag-unlad.

 

Magparehistro lamang para sa library card upang makatanggap ng mga serbisyong handog ng ating City Public Library. Ang City Public Library ay matatagpuan katabi ng Carmona Elementary School.

 

Ito ang hudyat ng panibagong takbuhin para sa sektor ng edukasyon at impormasyon sa City of Carmona. Tara na’t magbasa at mag-aral sa ating City Public Library & Learning Resource Center.