ahd seminar at mwest

November 20, 2025

Matagumpay na isinagawa noong Nobyembre 18, ang seminar tungkol sa Adolescent Health and Development (AHD) kasabay ng Short Film Dissemination sa Milagrosa West Elementary School.

Ang mahalagang aktibidad na ito ay inorganisa ng Office of the City Population Officer (OCPO) ng Carmona, sa pakikipagtulungan ng Cavite Provincial Population Office na dinaluhan ng mga piling mag-aaral mula Grade 6 ng nasabing paaralan, na siyang mahalagang yugto ng pagdadalaga/pagbibinata.

 

Tinitiyak ng programa na makapagbibigay ng komprehensibong impormasyon tungkol sa Adolescent Sexual and Reproductive Health, na naglalayong maiwasan ang panganib na dulot ng adolescent pregnancy. Higit sa lahat, layon nitong itaguyod ang responsableng pamumuhay at tamang pagpapasya. Epektibong ring naipalaganap ang mensahe ng AHD sa pamamagitan ng panonood at talakayan sa mga short film na nagpapakita ng reyalidad at hamon ng pagiging teenager.