RELIEF FOR FAMILIES AFFECTED OF FIRE INCIDENT IN BARANGAY BANCAL
relief for families affected of fire incident in barangay bancal
November 19, 2025
Personal na nagtungo si Mayor Dahlia A. Loyola, Vice Mayor Cesar L. Ines, Jr., at Sangguniang Panlungsod Members, sa Southcoast Zone 7 sa Barangay Bancal para magbigay ng lingap at tulong sa 8 bahay at 18 pamilyang naapektuhan ng insidente ng sunog kagabi sa nasabing lugar. Titiyakin po natin na matutugunan po natin ang pangangailangan ng bawat pamilyang naapektuhan nito para maging maayos ang kanilang kalagayan.
Pinapaalalahanan po ang lahat na mag-ingat at maging alisto sa anomang pwedeng amging sanhi ng sunog. Tayo po ay palaging itataas ang kamalayan ng publiko ukol sa kaligtasan at pag-iwas sa mga aksidente ng sunog.