Idinaos ang Stage 2 Audit ng Certification para sa ISO 9001:2015 para sa 29 na Tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona. Dito ay sumailalim sila sa Evaluation sa pangunguna ng Certification Partner Global ukol sa implementation at effectiveness ng mga management system na ginagamit ng Lokal na Pamahalaan para sa pagbibigay serbisyo publiko.