Pagpupugay sa mga Nonagenarians ng City of Carmona!
Binisita ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona ang tahanan ng isa sa ating mga mapagmahal at masisiglang nonagenarians o mga lolo’t lola ng ating Lungsod na may edad na 90-99 years old. Sila po ay pinagkalooban ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona ng Plaque of Recognition at one-time incentive na PHP 50,000.00 alinsunod sa ating ordinansa.
Lagi po kaming nakaagapay sa pangangailangan ng bawat vulnerable sectors gaya ng mga elderly. Nawa’y pagyamanin ninyo ang munting handog na ito ng Lokal na Pamahalaan.