adolescent pregnancy prevention symposium at cnhs
November 05, 2025
Sa pangunguna ng Office of the City Population Officer, sa pakikipagtulungan ng Cavite Provincial Population Office, ay ginanap noong Nobyembre 5, 2025 ang Adolescent Pregnancy Prevention Symposium with Short Film Dissemination sa Carmona National High School na dinaluhan ng mga piling mag-aaral mula sa Grade 8 at Grade 10.
Layon ng seminar na ito na palawakin ang kaalaman ng mga kabataan tungkol sa maagang pagbubuntis, itaguyod ang responsableng pamumuhay, at hikayatin ang tamang pagpapasya ukol sa kalusugan at kinabukasan. Kasama rin sa mga layunin ang pagbibigay ng wastong impormasyon tungkol sa reproductive health, pagpapalakas ng self-awareness, at pagtuturo ng mga paraan upang maiwasan ang panganib ng maagang pagbubuntis.
