balik paningin program at miles west

October 21, 2025

Nabigyan ng libreng salamin sa mata ang 80 na mag-aaral ng Milagrosa West Elementary School (MILES WEST) mula sa Balik Paningin Program ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona sa pangunguna ng Office of the City Health Officer.

 

Maraming salamat sa Rotary Club of Carmona na nagsilbing sponsor para mabigyan ng free eyeglasses ang mga mag-aaral ng nasabing paaralan. Nawa’y palagi pa namin kayong makasama sa paghahatid ng makabuluhang programa para sa komunidad.