inauguration of bancal pnp substation

October 21, 2025

Idinaos ang inagurasyon at blessing ng bagong Bancal Philippine National Police (PNP) Substation sa Barangay Bancal kung saan dumalo sina Cong. Roy M. Loyola, City Mayor Dahlia A. Loyola, City Vice Mayor Cesar L. Ines, Jr., Sangguniang Panlungsod Members, at mga kawani ng Sangguniang Barangay ng Bancal sa pangunguna ni Hon. Jefferson Levardo, at ang ating PNP Chief na si PLTCOL Melvin M Balba.

 

Ang pagsasaayos ng nasabing pasilidad ay upang magbigay suports sa mga aktibidad ng ating kapulisan lalo na sa mga lugar na nasasakupan ng nasabing substation. Nawa ay makatulong ang bagong gusaling ito para sa pagbibigay ng makabuluhang serbisyo publiko tungo sa ligtas at protektadong komunidad ng City of Carmona.