meeting with school primcipals and teachers for disaster preparedness and influenza-like illness
October 20, 2025
Bilang pagtitiyak na ligtas at protektado ang bawat mag-aaral sa City of Carmona, ay nagsagawa ng pagpupulong noong Oktubre 20, 2025 kasama ang mga punong-guro at mga kinatawan ng mga paaralan para magbigay ng kaalaman ukol sa disaster preparedness at kung ano ang dapat gawin sa panahon ng sakuna. Ito ay pinangunahan ng ating Office of the City Disaster Risk Reduction and Management Officer.
Dagdag dito ay pinag-usapan din sa pangunguna ng Office of the City Health Officer ang banta ng Influenza-Like Illness (ILI) gaya ng mga sintomas nito na dapat agapan lalo na sa school-setting.
Sinisigurado po natin na lagi nating kaisa ang mga paaralan sa ating hangaring maging panatag ang bawat magulang sa kondisyon ng kanilang mga anak sa paaralan. Inaasahan din po ang lahat na makiisa sa ating mga hakbang para mapanatiling ligtas at malusog ang mga kabataan, lalo na ang mga mag-aaral.
