free minor surgical mission of pbc

October 20, 2025

Nasa 56 na pasyente mula sa City of Carmona ang sumailalim sa libreng minor surgery sa Free Minor Surgical Mission ng Pagamutang Bayan ng Carmona. Ito ay sa pangunguna nina Dr. Jonathan Ancheta, Dr. Ai-Jen Russ Bautista, Dr. Ridden Allan Cudiamat, at Dr. Jardin Geron-Ancheta. Layon nito na makapaghatid ng accessible medical services sa mga mamamayan ng Lungsod.