world teacher's day celebration 2025 of the city of carmona

October 03, 2025
Happy World Teacher’s Day sa lahat ng mga guro!
Bilang pagdiriwang ng makabuluhang araw na ito ay idinaos ang World Teachers’ Day Celebration 2025 na dinaluhan ng ating mga minamahal na guro mula sa mga pampublikong paaralan sa City of Carmona.
Kasabay ng selebrasyong ito ay binigyan ng pagkilala ang mga Service Awardees, Outstanding Non-Teaching Staff, Outstanding Teachers/Hall of Fame, Outstanding Master Teachers, Outstanding Accomplishments, at Retirees.
Kami ay lubos ang paghanga sa puso na inyong inilalaan para sa mabigyan ng kaalaman at makabuluhang aral sa buhay ang bawat mag-aaral. Ang araw na ito ang magsisilbing paghahatid ng aming pasasalamat sa inyong hindi matatawarang kontribusyon sa pangarap ng mga mag-aaral sa Lungsod.
Muli, Happy Teacher’s Day!