adolescent health and development seminar of popcom carmona and conduct of your voice, your choice survey

October 02, 2025
Isinagawa noong October 2, 2025 ang Adolescent Health & Development (AHD) Seminar na pinangunahan ng Office of the City Population Officer (OCPO), sa pakikipagtulongan ng Cavite Population Office, para sa 120 estudyante ng Grade 6 mula sa Carmona Elementary School.
Layon ng aktibidad na ito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang ating kabataan tungkol sa pag-iwas sa maagang pagbubuntis (teenage pregnancy) at ang mga panganib na dulot nito, gaya ng mga komplikasyon sa kalusugan, pagkaantala sa edukasyon, at mga hamon sa pamumuhay na maaaring makaapekto sa kanilang kinabukasan.
Kasabay nito ay isinagawa din ang “Your Voice, Your Choice” Survey bilang bahagi ng paghahanda sa pagbuo ng isang Mobile App at Chatbot na magsisilbing gabay ng Kabataang Carmona. Ito ay magsisilbing makabagong plataporma kung saan sila ay makakakuha ng impormasyon, suporta, at tamang kaalaman tungkol sa kalusugan at kanilang pag-unlad.