balik paningin program at palmes

October 02, 2025

Nasa 50 na mag-aaral ng Paligawan Matanda Elementary School ang pinagkalooban ng libreng eyeglasses mula sa Balik Paningin Program ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pangunguna ng Office of the City Health Officer.

 

Maraming salamat sa Kawani ng Pamahalaang Bayan ng Carmona Multi Purpose Cooperative, sa pangunguna ng kanilang Chairman na si Mr. Angel Macha na nagsilbing sponsor para sa naturang program. Saludo kami sa inyong patuloy na suporta sa adbokasiya para sa kalusugan ng mga mamamayan ng City of Carmona.