30th national seafarers' day and information caravan on reintegration

October 02, 2025
Matagumpay na idinaos ang selebrasyon ng 30th National Seafarers’ Day at ang Information Caravan on Reintegration sa City of Carmona na idinaos sa Carmona Community Center. Ito ay sa pangunguna ng Overseas Workers Welfare Administration – Region IV A, at sa pakikipagtulungan ng Office of the City Public Employment Service Manager, Local Econmic Development and Investment Promotions Office, Department of Trade and Industry, Landbank, OFBank, TESDA, DMW, MSMEs at iba pang small business owners.
Ang naturang program ay nagsilbing Family Day para sa lahat ng pamilya ng mga seafarers sa buong rehiyong ng CALABARZON. Bahagi ito ng ating pagbibigay halaga sa kontribusyon ng mga seafarers sa ekonomiya ng bansa at world trade, gayundin upang mabigyang importansya ang mga isyu na kailangan tugunan para sa kapakanan ng ating mga sailing ambassadors.