stem month celebration 2025 of allshs

September 30, 2025

Idinaos ng Angelo L. Loyola Senior High School (ALLSHS) ang STEM Month Celebration 2025 na may temang “Spatialize, Surveying Societies, Sensing Solutions…” na idinaos sa Carmona Plaza. Ito ay sa pangunguna ng Faculty of Science, Technology Engineering, and mathematics ng ALLSHS.

 

Ginanap sa nasabing selebrasyon ang Awarding Ceremony para sa mga nagwagi kumpetisyon kabilang sa selebrasyon at ang pagdaraos ng iba pang kumpetisyon gaya ng STEMfinity: Exhibit of Discovery, Inventions, and Innovations, Indak Kalikasan, Agham Wagas (IKAW): An Interpretative Dance Contest, at Refashion 2025: Turning Waste into Wear – A Runaway Modeling Challenge.

 

Nawa’y naging matagumpay ang inyong isinagawang selebrasyon para sa larangan ng agham at teknolohiya!