orientation on the rural electrification project of lgu carmona

September 29, 2025

Matagumpay na idinaos ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona ang Orientation para sa Rural Electrification Project na dinaluhan ng mga residente ng San Pablo St., Barangay Cabilang Baybay. Ito ay sa pangunguna ng Office of the City Engineer, kasama ang Office of the City Building Official at Office of the City Urban Development and Housing Officer, at katuwang ang Meralco.

 

Tinalakay dito ang electrical safety at mga makabagong tools ng Meralco, at kung paano ang tamang pag-apply dito. Maraming salamat sa mga nangasiwa ng nasabing aktibidad sa pangunguna nina Mr. Angel P. Sayoto, Relationship Manager, Engr. Jan Ronald Quitorano, Customer Sales Engineer, at Engr. Christian R. Butcon, Sales & Relationship Management Officer ng Meralco.