125th philippine civil service anniversary / 3rd employees' fun day

September 25, 2025

Masaya nating idinaos ang pagdiriwang ng 125th Philippine Civil Service Anniversary kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona sa isinagawang 3rd City Employees’ Fun Day. Ito ay alinsunod sa temang “Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing para sa Bayan” at sa pangunguna ng ating Office of the City Human Resources Management Officer.

 

Congratulations sa mga nagwagi sa ating mga palaro mula sa iba’t-ibang Tanggapan na bumubuo sa GREEN PANTHERS, RED LIONS, BLUE EAGLES, at YELLOW VIPERS. Sana ay nagbigay saya sa bawat isa ang ating isinagawang mga sports events at iba pang palaro na nagpamalas ng galing at talento ng bawat kawani.

 

Muli, Happy 125th Philippine Civil Service Anniversary!