city of carmona receives 2nd year green banner seal of compliance
September 24, 2025
Muli nating nakamit sa ikalawang pagkakataon ang Green Banner Seal of Compliance mula sa National Nutrition Council – CALABARZON sa ginanap na Regional Nutrition Awarding Ceremony (RNAC) sa Acacia Hotel Manila, Alabang. Ito po ay bunga ng ating mahusay at magandang ipinamalas ng ating Carmona City Nutrition Committee (CCNC) sa ginanap na Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation Protocol (MELLPI Pro) ng CALABARZON Regional Nutrition Evaluation Team (RNET) para sa ating pagsulong ng seguridad ng kalusugan sa ating komunidad.
Binigyang pagkilala rin ang mga sumusunod na lingkod bayan bilang mga Finalists sa mga iba’t-ibang kategorya ng RNAC:
- EDGARDO DELA CRUZ JR. – Finalist, Search for Regional Outstanding City/Municipal Nutrition Action Officer (ROCMNAO);
- JERICO A. GRUTA – Finalist, Search for Regional Outstanding City/Municipal Nutrition Program Coordinator (ROCMNPC);
- MENCHIE D. ANDRES (Barangay Cabilang Baybay) – Finalist, Search for Regional Outstanding Barangay Nutrition Scholar (ROBNS); at
- GAUDENCIO M. LEGACION (Barangay Cabilang Baybay) – Finalist, Search for Regional Outstanding Barangay Nutrition Committee
Congratulations po sa inyong lahat at ang tagumpay na ito ang magiging inspirasyon natin para pagbutihan pa ang ating mga nutrition programs, projects, at activities alinsunod sa Philippine Plan of Action for Nutrition.
