PREPAREDNESS MEETING FOR SEVERE TROPICAL STORM #OPONGPH
preparedness meeting for severe tropical storm #opongph
September 24, 2025
Pinangunahan po natin, kasama ang Office of the City Disaster Risk Reduction and Management Officer ang isang Preparedness Meeting para sa Severe Tropical Storm #OpongPH o Bualoi. Ito po ay upang masigurado na handa ang bawat barangay sa pangunguna ng ating City at Barangay Disaster IRsk Reduction Management Councils sa maaaring maging epekto nito sa Lungsod.
Manatili lamang po tayo sa ating mga tahanan at siguraduhing handa ang ating EMERGENCY BAGS na naglalaman ng pagkain, tubig, mga damit, flashlight, face masks, hygiene products, first aid kit, at iba pang pangangailangan sa panahon ng bagyo at kalamidad.