lgu carmona conducts loyalty awards 2025

September 22, 2025

Kasabay ng pagdiriwang ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona ng 125th Philippine Civil Service Anniversary, ang Loyalty Awards 2025 kung saan ginawaran ang 66 na kawani na Loyalty Service Awardees na nagbigay ng 10 hangggang 40 na taon ng serbisyo publiko at apat (4) na Civil Service Commission (CSC) Eligibility Examination Passers.

 

Kasabay din nito ay idinaos ang Retirement Recognition sa isa nating lingkod bayan na si Ms. Teresa P. Laurora ng Office of the City Treasurer. Nagsilbi naman bilang Guest Speaker si Dir. Jeffrey C. Cruz, Director II CSC Field Office-Cavite sa nasabing aktibidad na idinaos sa Manila Southwoods Golf and Country Club.

 

Pagbati sa lahat ng kawani na binigyang pagkilala sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon at pagmamahal para sa City of Carmona. Congratulations po at patuloy nawa kayong maging huwarang modelo ng serbisyo publiko!