blessing of new multi-purpose building of st josepf parish church
September 20, 2025
Ginanap na pagbabasbas ng Saint Joseph Parish Church Multi-Purpose Building sa pangunguna ng ating Kura Paroko, Reb. P. Ariel A. Delos Reyes. Bago ang nasabing pagbabasbas, ay dinaluhan nina Mayor Dahlia A. Loyola, Vice Mayor Cesar L. Ines, Jr., at Sangguniang Panlungsod Members, ang isang Banal na Misa bilang pasasalamat na rin para sa pagdiriwang ng ika-31 taong anibersaryo sa pagkapari ng ating Kura Paroko.
Ang bagong Multi-purpose Building ng Saint Joseph Parish Church ay maaaring gamitin ng mga ministries, organizations at cluster of communities sa mga aktibidad pang-simbahan. Nawa’y ating pagyamanin ito nang may pag-iingat para mapanatili ang kalinisan at kaayusan nito.
