LGU CARMONA JOINS INTERNATIONAL COASTAL CLEAN-UP DAY 2025
lgu carmona joins international coastal clean-up day 2025
September 20, 2025
Sama-samang nakiisa ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona sa pagdaraos ng International Coastal Clean-Up Day bilang bahagi ng ating pagdiriwang ng 125th Philippine Civil Service Anniversary na may temang “Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, Galing para sa Bayan”.
Dumako ang mga kawani sa tatlong barangay upang magsagawa ng clena-up activity sa Barangay Maduya (Andok’s River, Dahlia St., Mayor’s Blvd., at Carmona Public Market), Barangay Cabilang Baybay (Southwoods Drive), at Barangay Bancal (Bancal Arc). Taos-pusong pasasalamat sa inyong aktibong pakikiisa sa makabuluhang aktibidad na ito para sa ating kapaligiran.