Bumisita sa Tanggapan ni City Mayor Dahlia A. Loyola ang mga miyembro ng 2024 Manila Bay Clean-up, Rehabilitation, and Preservation Program (MBCRPP) Regional Assessment Validation Team.
Narito po sila para magsagawa ng validations para sa ating compliance ukol sa nasabing assessment sa pangunguna ng Office of the City Environment and Natural Resources Officer. Nawa’y naging produktibo at makabuluhan po ang inyong naging pagbisita sa City of Carmona!