22nd cerebral palsy awareness and protection week celebration of pdao carmona

September 15, 2025

Idinaos ng Persons with Disability Affairs Office ang pagdiriwang ng 2025 Cerebral Palsy Awareness and Protection Week kung saan nasa 150 na beneficiaries ang tumanggap ng financial at medical assistance mula sa Pamahalaang Lungsod ng Carmona. Lahat din ng nasabing beneficiaries ay nakatanggap ng grocery food packages mula sa Lokal na Pamahalaan na makakatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

 

Ang naturang aktibidad ay alinsunod sa tema na “Joining Together in Building Inclusive Innovation for Person with Cerebral Palsy in the Communities” sa bisa ng Proclamation No. 588, S. 2004.