pawtektado: comprehensive pet care educational campaign school-based

September 15, 2025

Para naman sa ating mga paaralan, isinagawa ang ikalawang bahagi PAWtektado: Comprehensive Pet Care Educational Campaign para sa School-Based sector  na dinaluhan ng mga guro at mag-aaral mula sa lahat ng pampublikong elementary, junior, at senior high school sa Lungsod. Ang programa ay naglalayong maitaas ang antas ng community awareness sa Lungsod tungkol sa kahalagahan ng proteksyon at tamang pag-aalaga ng iba’t-ibang uri ng hayop tungo sa isang ideal compassionate community.

 

Taos-pusong pasasalamat sa ating naging Resource Persons sa PAWtektado para sa mga paaralan sa pangunguna nina City Consultant Dr. Ma. Grace D. Sandoval, ABT Physician Dr. Suguru Alberto Q. Mita, Dr. Glenn G. Almeria ng Pet Partner Philippines, at Ms. Mariel C. Gulla ng Club PAWSOME na nagbahagi ng kanilang kaalaman sa mga dumalo ukol sa mga diskusyon ng PAWtektado.