bakuna eskwela 2025 townhall meeting
September 14, 2025
Idinaos ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pangunguna ng Office of the City Health Officer ang Bakuna Eskwela 2025 Town Hall Meeting na dinaluhan ng nasa 550 na participants na binubuo ng mga BHWs, FHWs, Enumerators, Barangay Officials at Employees, miyembro ng Samahan ng Nagkakaisang Kababaihan ng Carmona, Inc., at officers ng Parent Teacher Association.
Dito ay tinalakay ang mga usapin ukol sa school-based immunization ng Bakuna Eskwela at ang mga detalye ng PhilHealth Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP). Layon ng nasabing aktibidad na maisulong natin ang kahalagahan ng vaccination sa disease prevention para sa mga Vaccine Preventable Diseases (VPD) sa pamamagitan ng pagtaas ng pagpapaigting ng school based immunization coverage para tumaas ang antas ng academic performance ng mga mag-aaral dulot ng isang healthy learning environment.
Libreng Bakuna Iwas Pag-aalala sa City of Carmona!
