aics for carmona beneficiaries

September 12, 2025

Idinaos ang pamamahagi ng tulong pinansyal mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development at ng ating Office of the City Social Welfare and Development Officer.

 

Ang AICS ay isa sa mga social welfare services ng DSWD na nagbibigay ng tulong medikal, pampalibing, transportasyon, edukasyon, pagkain, o tulong pinansyal para sa iba pang support services o pangangailangan ng mga mamamayan at ng kanilang pamilya.