citcao carmona kicks off 5th carmona tourism summit

September 09, 2025

Matagumpay na sinimulan ang pagdiriwang ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona ng National Tourism Month 2025 sa pagdaraos ng ikalimang taon ng CARMONA TOURISM SUMMIT sa pangunguna ng Office of the City Information, Tourism, Culture and Arts Officer. Sa unang araw ay isinagawa ang Filipino Brand of Service Excellence (FBSE)  Training para sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) at Tourism frontliners sa Lungsod. Ito ay alinsunod sa temang “Tourism and Sustainable Transformation”.

 

Taos-pusong pasasalamat kay Ms. Maria Fe Rofule, Accredited Regional Trainor ng FBSE na nagsilbing Resource Speaker sa nasabing training. Abangan ang pagpapatuloy ng pagdiriwang ng Tourism Month sa paparating na Biyaheng Masaya Lang Familiarization Tour at Culminating Activity ng Carmona Tourism Summit sa Setyembre 16 at 17, 2025.

 

Happy National Tourism Month, City of Carmona!