pawtektado: comprehensive pet care educational campaign

September 09, 2025

Sa pangunguna ng Office of the City Mayor at Office of the City Agriculturist ay isinagawa ang PAWtektado: Comprehensive Pet Care Educational Campaign na dinaluhan ng mga kawani ng mga barangay sa Carmona, FHWs at BHWs, at mga kinatawan ng mga homeowner’s associations sa Carmona Estates. Layon nito na maitaas ang antas ng community awareness sa Lungsod ng Carmona tungkol sa kahalagahan ng proteksyon at tamang pag-aalaga ng iba’t-ibang uri ng hayop tungo sa isang compassionate na komunidad.

 

Maraming salamat kina Dr. Ma. Grace D. Sandoval, City Consultant, Dr. Glenn G. Almeria ng Pet Partner Philippines at Ms. Mariel C. Gulla ng Club PAWSOME na nagbahagi ng kanilang kaalaman bilang Resource Persons ng nasabing aktibidad. Idaraos sa September 15, 2025 ang ikalawang bahagi ng PAWtektado ng City of Carmona.