handog extrang lingap program for 304 pwds from carmona

September 08, 2025

Pinangunahan ng Persons with Disability Affairs Office ang pamamahagi ng Handog Extrang Lingap Program o HELP para sa 304 na PWDs ng ating Lungsod na nagdiwang ng kanilang kaarawan noong buwan ng Hulyo. Ito ay dinaluhan nina City Vice Mayor Cesar L. Ines, Jr. at mga Sangguniang Panlungsod Members.

 

Belated happy birthday po sa inyong lahat at nawa’y makatulong po ang munting regalo na ito para sa inyong kaarawan. Ang HELP ay isa sa mga programa ng Lokal na Pamahalaan na naglalayong magkaroon ng ingklusibong komunidad para sa ating mga PWDs kung saan walang kahit sino man ang maiiwan at DapatAngatLahat.