125th philippine civil service anniversary celebration
September 06, 2025
Buong suportang nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Carmona sa pagdiriwang ng ika-125 na Anibersaryo ng Philippine Civil Service na may temang “Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing para sa Bayan”.
Kasama ang mga lingkod bayan at kawani ng Lokal na Pamahalaan ay pormal na sinimulan ang pagdiriwang para sa mga Lingkod Bayani sa pamamagitan ng mga aktibidad gaya ng Fun Run na nilahukan ng mga kawani at ng CSOs sa Lungsod at sabay-sabay din tayong umindak sa Zum-Bayani sa pangunguna ng City of Carmona Healthy Lifestylers sa ating patuloy na paghikayat ng active at healthy lifestyle para sa lahat ng mamamayan ng progresibong Lungsod ng Carmona. Pormal ding binuksan ang 3rd City Employees’ Fun Games 2025 para sa mga kawani ng LGU Carmona.
Muli, Happy 125th Philippine Civil Service Anniversary!
