courtesy call

September 5, 2025

Bumisita sa Tanggapan ni Mayor Dahlia A. Loyola ang mga miyembro ng volleyball teams ng City of Carmona na lalahok sa 1st Cavite Inter-Town Volleyball Tournament for Men and Women ng Office of the Provincial Youth Development Officer – Cavite. Kasabay nito ay ipinagkaloob ang handog na libreng uniform para sa bawat miyembro ng nasabing koponan.

 

Hangad namin ang inyong tagumpay sa inyong sasalihang turnamento!