2025 serbisyo parangal ng calabarzon and 3rd rdc full council meeting
September 04, 2025
Lubos po nating ikinagagalak na tayo ay nabigyang pagkilala ng Department of Economy, Planning, and Development (DEPDEV) CALABARZON bilang 2025 Serbisyo Parangal ng CALABARZON Awardee para sa ating naging mahalagang kontribusyon sa socio-economic development ng ating rehiyon. Tunay po na ang mga pagkilalang ito ang ating nagiging inspirasyon para pagbutihan pa ang ating serbisyo publiko para sa bawat mamamayan.
Kasabay din po nito ay dumalo po tayo sa 3rd Regional Development Council (RDC) Region IV-A CALABARZON Full Council Meeting kung saan nakasama natin ang iba’t-ibang lingkod bayan mula sa iba’t-ibang probinsya, lungsod, at munisipalidad sa rehiyon upang matugunan ang mga isyu at suliranin na kailangan natin mabigyan ng pansin.
