national lung month celebration with free chest x-ray

August 20, 2025

Bilang pagdiriwang ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona sa National Lung Month Celebration ay nagdaos ng libreng Chest X-Ray ang Office of the City Health Officer at ang Culion Foundation para sa 150 beneficiaries mula sa Phase 3, Barangay Milagrosa. Nagsagawa rin dito ng lecture on tuberculosis disease sa pangunguna ni Dr. Madeline Carreon-Layug, FPCP, FPCCP.

 

Ito ay hakbang ng Lokal na Pamahalaan upang matugunan ang mga suliranin tungkol sa pangangalaga ng kalusugan kaugnay ng pagbibigay prayoridad para maiwasan ang iba’t-ibang lung diseases gaya ng tuberculosis.

 

YES, We Can End TB! Commit, Invest, Deliver!