Nakasama ni City Mayor Dahlia A. Loyola ang mga mamamayan at mananampalatay ng Barangay ng Cabilang Baybay sa isang Banal na Misa na hudyat ng kanilang pagdiriwang ng Kapistahan ni San Roque. Sana’y ilaan natin ang araw na ito hindi lamang upang magdiwang kundi upang mag-alay ng panalangin ng pasasalamat para sa Kaniyang pagpapala na ating natamasa nitong nagdaang taon.