grand launching of the carmona mental health program

August 14, 2025

“Isang Komunidad para sa mas Malusog na Kaisipan.”

 

Matagumpay na idinaos ang Grand Launching ng Carmona Mental Health Program sa pangunguna ng Office of the City Health Officer na nagpapatibay ng dedikasyon ng Lungsod para i-adbokasiya ang malusog na kaisipan sa bawat mamamayan nito.  Ang programang ito ay naglalayong makapaghatid ng inclusive, accessible, at community-based approach na magpapatunay na ang stable at healthy mental health ay karapatan ng bawat isa at para sa lahat.

 

Maraming salamat sa ating nakasama sa isinagawang Grand Launching kasama sin City Vice Mayor Cesar L. Ines, Jr., Sangguniang Panlungsod Members sa pangunguna ni Hon. Rebecca L. Reyes, Dr. Joffrey L. Cruzada, mga kinatawan ng DOH, at ng ating Mental Health Program Coordinator na si Mr. Herald Clarence M. Ambayec, RN.

 

Sa tulong ng ating Carmona Mental Health Program, we can move forward as builders of a better tomorrow, where no one walks alone, and every mind is cared for.