Sa pangunguna ng Office of the City Health Officer ay ginanap ang Balik Paningin Program kung saan ay nasa 20 na pasyente mula City of Carmona ang sumailalim sa Free Cataract Extraction at Free Pterygium Excision.
Ang mga pasyente ng programa ay makakatanggap din ng libreng pre-operation at post-operation medicines mula sa Lokal na Pamahalaan. Bahagi po ito ng mga hakbang ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona upang makapaghatid ng accessible medical services sa ating mga kababayan.