prfp seminar of popcom and cho carmona for the national family planning month

August 13, 2025

Sa pagdiriwang ng National Family Month ngayong Agosto na may temang: “Panalo ang Pamilyang Planado! Tara, Usap Tayo sa Family Planning!”, isinagawa ng Office of the City Population Officer at Office of the City Health Officer, sa pakikipag-ugnayan sa Cavite Provincial Population Office, ang Responsible Parenthood and Family Planning Seminar sa Sitio Paligawan Matanda Elementary School (PALMES).

 

Ito ay dinaluhan ng 80 kababaihan mula sa reproductive age bilang pagtugon sa layuning talakayin ang responsableng pagpapalaki ng anak, wastong pangangalaga sa pamilya at ang iba’t-ibang family planning methods na available sa Lungsod ng Carmona.

 

Naniniwala ang Pamahalaang Lungsod na sa Tamang Agwat ng Panganganak, ang Pamilya ay Aangat! Dahil sa family planning, PANALO ANG PAMILYANG PLANADO!