konel: 2026 barangay budget workshop and simultaneous preparation

August 12, 2025

Dinaluhan ng mga kawani ng 14 na Sangguniang Barangay sa City of Carmona ang KONEK: 2026 Barangay Budget Workshop & Simultaneous Preparation. Kasama ang mga Department Heads ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona at ng Sangguniang Panlungsod, binigyan ng gabay ang bawat barangay kung paano nila maisasaayos pa ang kanilang ihahandang budget para sa taong 2026 upang mabigyan ng prayoridad ang mga mahahalagang aspeto ng pamamahala at mga suliraning kailangang tugonan sa kanilang mga barangay.