aics for 187 carmona beneficiaries

August 12, 2025

Isinagawa ng Office of the City Social Welfare and Development Officer ang pamamahagi ng tulong pinansyal para sa 187 na beneficiaries ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

Ang AICS ay isa sa mga social welfare services ng DSWD na nagbibigay ng tulong medikal, pampalibing, transportasyon, edukasyon, pagkain, o tulong pinansyal para sa iba pang support services o pangangailangan ng mga mamamayan at ng kanilang pamilya.