labeling of smoke-free homes at barangau maduya, cabilang baybay, and mabuhay
August 12, 2025
Tungo sa isang Smoke-Free City of Carmona, isinagawa ang simultaneous labeling ng mga Smoke Free Homes sa mga Barangay Maduya, Cabilang Baybay, at Mabuhay sa pangunguna ng inyong lingkod, City Vice Mayor Cesar L. Ines, Jr., Sangguniang Panlungsod Members, at ng Office of the City Health Officer (CHO).
Nasa 45 na tahanan ang nabigyan ng Smoke-Free Home labels na patunay na walang naninigarilyo sa kanilang pamilya at pati ang kanilang buong suporta para sa isang Smoke-Free Carmona. Ang mga Smoke-Free Homes ay nabigyan ng certificate, first aid kit, at iba pang incentives mula sa CHO tulad ng free laboratory work-up, free flu immunization, free pneumococcal immunization para sa mga kapamilyang senior citizens, at free papsmear para sa mga kababaihang 25-50 years old.
